SINILIP NA | Dumaraming undocumented foreign workers sa Pilipinas, iniimbestigahan na rin ng DOLE

Manila, Philippines – Ini-imbestigahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ulat na may mga undocumented Chinese worker na naglipana sa bansa.

Ayon kay labor Sec. Silvestre Bello III – nagpatawag na siya ng pulong sa Department of Justice at Bureau of Immigration para matalakay ang natanggap nilang ulat.

Magkakasa rin ang ahensya ng raid sa mga establisyimento na pinapatakbo o kaya ay nag-e-employ ng mga dayuhan nang walang permiso.


Aniya, mas prioridad ng DOLE na mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan.

Bukod sa mga Chinese, target din nila ang iba pang mga banyaga na iligal na nagtatrabaho sa bansa tulad ng mga Koreano at mga galing sa Middle East.

Facebook Comments