Manila, Philippines – Sinimulan na kahapon ang 12 days prayer kontra sa paglaganap ng fake news sa bansa.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang hakbang na ito ng simbahan ay bilang tugon sa pagkalat ng fake news sa bansa at magkakasalungat na katotohanan.
Una nang nanawagan si Tagle sa publiko na maki-isa sa 12 araw na panalangin at pag-aayuno na tinawag na feast of truth and love bilang Pentecost Sunday.
Sa loob ng 12 araw, magpapatunog ng kampana sa lahat ng Archdiocese ng Manila tuwing alas 3 ng hapon bilang paggunita sa pagkamatay ni Jesus at para hilingin sa Diyos ang pagpapadala ng banal na Espiritu na magbibigay gabay sa katotohanan.
Pagkatapos magpatunog ng kampana, dadasalin ang Chaplet of the Divine Mercy.
Magtatapos ang pagdadasal hanggang sa May 31 na pagdiriwang naman ng kapistahan ng pagbisita ng Birheng Maria sa pinsan nitong si Elizabeth na mga selebrasyon na nagbibigay-halaga sa katotohanan at pag-ibig.