SINIMULAN NA | Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, umarangkada na

Umarangkada na ang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, ng Department of Transportation (DOTr).

Bilang paghahanda sa inaasahan pagtaas ng bilang ng air passenger ngayon Kapaskuhan, inilagay na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa heightened alert ang lahat ng paliparan nasa ilalim ng pangangasiwa nito sa buong bansa.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018, mayroon dagdag na security measures na gagawin upang matiyak ang ligtas, maaasahan at maginhawang operasyon sa lahat ng (40) commercial airports sa bansa.


Ang apat na cluster head na humahawak sa 40 CAAP-managed commercial airports nationwide ay pinayuhan din na ipatupad ang no leave and day-off” policy sa panahon ng pagsasagawa ng oplan.

Ang Concerned Government Agencies na nag-o-operate sa mga airport, kabilang ang Office of Transportation Security (OTS) at ang Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), ay maglalagay o mag-deploy ng personnel sa mga areas of concern upang matiyak ang maayos na passenger flow.

Nakipag-ugnayan na din ang CAAP sa mga airline company para sa mahusay na pagproseso ng mga pasahero, lalo na sa mga check-in counter.

Pinaalalahanan din ang mga biyahero na huwag magdala ng mga prohibited o ipinagbabawal na gamit sa airport at ilagay ang lahat ng gamit, tulad ng cellphones at gadgets sa isang carryon baggage o hand carried bag para sa mas mabilis na pagproseso sa screening checkpoint.

Ang CAAP ay regular na naghanda para sa pagdagsa ng pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, umabot ng mahigit 6.3M (6,342,610) domestic at mahigit 3.7M (3,787,648) international passengers ang dumating at umalis sa NAIA.

Facebook Comments