SINIMULAN NA | P2P buses na biyaheng Las Piñas – Makati, umarangkada na

Umarangakda na ang P2P buses na mayroong ruta na Las Piñas City – Makati City at vice versa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), P100 ang pamasahe sa nasabing ruta.

Alas-5 ng umaga ang unang biyahe ng P2P buses kung saan maaring makasakay ng P2P bus sa Pilar station sa Las Piñas at sa Circuit lane naman kung galing ng Makati.


Ang drop off point ng bus ay sa Landmark at sa Ayala Triangle sa Makati City.

Facebook Comments