Manila, Philippines – Sinimulan na National Printing Office ang pag-imprenta sa gagamiting balota para sa ‘special elections sa Barangay at SK sa Marawi City, Lanao del Sur sa September 22.
Sa isang Media walk through, sinabi ni NPO Vice Chairperson fo Printing Committee Vicki Dulcero, puntirya nilang tapusin ang printing sa humigit kumulang 76,000 balota ngayong araw at inaasahan na sa loob ng isa o dalawang linggo ay maipapadala na ito sa Marawi ng Packing and Shipping Committee ng ahensya.
Positibo naman ang Commission on Elections na magiging maayos ang eleksyon sa 69 na barangay sa lungsod.
Ayon kay COMELEC Spokesman at Education and Information Department Director James Jimenez nagsimula na silang mag-monitor sa sitwasyon sa Marawi at wala naman silang naitatalang problema maliban lamang sa mas kaunti ang naghain ng kanilang kandidatura para sa Sangguniang Kabataan.
Ayon naman kay Teofisto Elnas Jr., ang direktor ng Comelec Elections for Barangay Affairs Department, walang hazard pay ang mga guro na magsisilbi sa Marawi special election subalit sila ay bibigyan ng insurance.
Sakali aniya na kapusin o walang guro na nais magsilbi sa lokal na halalan ay may co tingency plan na para dito ang poll body kung saan huhugot sila ng mga tauhan mula sa Philippine National Police na sinanay sa proseso ng botohan at bilangan ng mga balota.