SINIMULAN NA | Proseso ng distribusyon ng lupa sa Mindanao, umarangkada na

Suportado ng Marawi Sultanate League ang pag-arangakada na ng proseso ng pagsasailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Mindanao.

Ito ay kasunod ng pag-arangkada ng kaunaunahang Agrarian Reform’s 1st Stakeholders’ Consultation na isinagawa sa Marawi City.

Ang consultation ay pang unang hakbang bago isagawa ang mga land surveys na tutukoy sa mga public lands at nakatiwangwang na government reservations at ng magsasaka sa Mindanao na masasakupan ng CARP.


Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang buong Mindanao sa land reform area .

Hinihiling lamang ni Sultan Monsing Macabando ng Marawi Sultanate League na isaalang-alang ng DAR ang karapatan ng lahat ng sektor sa proseso ng land distribution upang matiyak na maghahatid ito ng kapayapaan at hindi pagkakahati-hati.

Aninado naman si Castriciones na medyo kumplikado ang proseso dahil sa patong patong na land claims at nakakalitong boundaries o hangganan ng mga lugar doon.

Pero dahil sa ipinakitang kooperasyon ng mga stakeholders, maaring malampasan ang mga susulpot na problema.

Facebook Comments