Manila, Philippines – Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalatag ng traffic plan para sa planong pagpapaluwag ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Dahil dito ayon kay MMDA Special Operations Chief Bong Nebrija kinailangan na nilang umpisahan ang clearing operation sa Masaya Street kung saan ilalagay ang bagong loading at unloading zone ng mga Public Utility Vehicle (PUV).
Nag-rekomenda naman si MMDA Acting General Manager Jojo Garcia ang mga nakikitang dapat baguhin sa mga lane sa kalsada partikular sa mga pa-Visayas at North Avenue.
Samantala, tinanggal na rin ang island separator sa PHILCOA kung saan talamak ang illegal na pagsasakay at pagbababa habang nakahanda na rin ang mga barrier at fence para makontrol ang mga pasahero at pedestrians.
Sa ngayon ay naghahanda na ang MMDA para sa dry run sa Sabado at kapag may nakitang silang sablay ay agad nilang babaguhin ito sa Linggo para sa full implementation sa Lunes.