Manila, Philippines – Umarangkada na ang workshop ng DOTr at LTFRB para imapa ang mga ruta na sasaklawin ng mga Public Utility Vehicles (PUV) kaugnay ng implementasyon ng PUV Modernization Program. Ang Public Transportation Route Planning and Management Course ay unang inilarga sa Pampanga . Ang magiging resulta ng LPTRP ay magsisilbing batayan sa pagbibigay ng prangkisa sa mga Public Utility Vehicles. Katuwang ng DOTr at LTFRB sa pagbibigay ng capacity building activities ang Transport Traffic Planners Inc. at ang U.P. Planning and Development Research Foundation Inc. Lalamanin ng LPTRP ang mga listahan at detalyadong mapa ng tutukuying public transportation routes at ng gagamiting transportation facilities.
Facebook Comments