SININGIL PA | Batang inakalang patay na, binalik sa kaniyang mga magulang matapos ang 7 taon

Russia – isang bata ang muling naibalik sa kaniyang mga magulang, pitong taon matapos itong ipanganak.
2011 nang manganak ang ina ng bata sa isang ospital sa Volgograd, Russia, ngunit pagkasilang sa sanggol, sinabi ng mga doktor na mahina ang bata at hindi tatagal ng isang Linggo.

Dahil dito, pinapirma ng waiver ang mga magulang ng sanggol, na nagbibigay pahintulot sa estado at sa ospital na sila na ang mangangalaga sa bata.

Limang araw ang nakaraan, bumalik ang magasawa sa ospital, ngunit napag-alaman nila na hindi na tumagal ang sanggol.


Ngunit nito lamang, nakalipas na buwan, isang orphanage ang nagpadala ng bill sa magasawa at sinisingin sila ng isang orphanage ng 3 thousand pounds na ipinangtustos sa bata.

Dito na nalaman ng mga magulang na buhay ang kanilang anak.
Lumalabas na nagkaroon ng administrative error sa parte ng ospital.

Facebook Comments