Nasa 10.4 bilyong pisong halaga ng iligal na droga at mga sangkap sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot ang winasak ng Philippinde Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires, Cavite.
Ito na umano ang pinakamalaking halaga ng iligal na droga at non-drug evidence na sinira ng pdea sa kasaysayan ng ahensya.
Ginawa ito sa tanggapan ng integrated waste management inc. sa pamamagitan ng thermal decomposition.
Ito ang pang-limang destruction ceremony na pinangunahan ni Director Aaron Aquino sa sampung buwan niya sa PDEA.
Sinaksihan ang seremonya ng mga kinatawan mula sa Department of Justice, Department of Interior and Local Government at lokal na pamahalaan ng Trece Martires.
Facebook Comments