SINISI | Gabbi Garcia, nagpaliwanag kung bakit hindi na sila magsasama pa ni Ruru Madrid

Manila, Philippines – Hindi na nakapagpigil pa ang aktres na si Gabbi Garcia matapos siyang sisihin ng netizens dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang on-screen love team na si Ruru Madrid.

Nabatid kasi na umuugong ang balita na hindi na sila magsasama sa susunod na project kaya at ikinagalit ito ng kanilang fans na kaniya-kaniyang reaksyon sa social media.

Marami ang nagtatanong kay Gabbi pero nananatili daw itong tahimik at pinag mu-mukhang tanga daw ang kanilang mga fans na nahihintay ng kumpirmasyon mula sa kaniya.


Iginiit naman ni Gabbi na hindi niya kagustuhan at wala siyang kasalanan kung nag-desisyon ang management ng Kapuso network na hindi na siya ipares pa kay Ruru kung saan huwag daw siyang sisihin sa nangyari.

Sa huli, sinabi pa ng aktres na nanatili daw siyang loyal sa kanilang love team pero hindi niya maintindihan kung bakit ito nangyari sa kanilang dalawa ni Ruru.

Facebook Comments