SINISI | Kongresista, umaalma sa paglala ng krimen sa Sulu

Sulu – Isinisisi ng isang kongresista sa kasalukuyang mga opisyal sa Sulu ang paglala ng kriminlidad sa lalawigan.

Ayon kay Sulu 2nd District Rep. Munir Arbison, bumuo na sila ng grupo upang resolbahin ang mga insidente ng kidnap for ransom sa lalawigan.

Dismayado sila sa kawalan ng kasalukuyang lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Abdul Sakur Tan III na tapusin ang mga nagaganap na kaguluhan doon na nagdudulot ng takot sa mga residente.


Bukod dito, kumalat din ang droga na nakakasira ngayon sa mga kabataan at pamilya ng mga Tausug.

Bukod kay Arbison, kabilang din sa grupo sina dating Rep. Yusop Jikiri at Hussien Amin.

Facebook Comments