SINISI | Kris Aquino, walang tv projects nang dahil daw sa pulitika

Manila, Philippines – Nang dahil daw sa pulitika, wala pa din natatanggap na tv projects ang tv host/actress na si Kris Aquino.

Ito ang naging pahayag ni Kris kung saan nilinaw nito na wala raw siyang isyu sa Pangulong Rodrigo Duterte pero ang mga supporters naman daw ng Pangulo ang ayaw sa kanya.

Ganun pa man, kahit wala pa raw itong tv shows ay maari pa rin naman siyang makita ng kanyang mga fans dahil gabi-gabi itong naka-online at mayroon pang 53 brands na sumusuporta sa kanya.


Nabatid na naging usap-usapan ngayon sa social media ang naging paninisi ni Kris sa pulitika pero karamihan sa mga nagko-komento ay sinasabing ganyan daw talaga ang ikot ng buhay.

Facebook Comments