SINISI | Paglobo ng bilang ng illegal foreign workers sa bansa, sinisi sa ilang ahensya ng gobyerno

Manila, Philippines – ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development Chairperson Senator Joel Villanueva ang kapabayaan ng ilang government agency kaya at lumolobo ang bilang ng mga foreign nationals na iligal na nagta-trabaho sa bansa.

Ayon sa senador, kahit ilang raid pa ang isagawa ng mga otoridad sa mga Chinese establishments na mayroong mga iligal na empleyado, kung hindi naman mareresolba ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang pagdagsa ng mga illegal workers na ito, ay magpapaikot-ikot lamang aniya tayo.

Nakakaalarma aniya ang biglang dami ng mga Chinese nationals dito sa bansa.


Bukod kasi sa nanakawan ng trabaho ang mga Pilipino at naaagawan ng tirahan, ay kinukupitan rin ng oportunidad ang mga ito.

Ayon sa senador ang Alien Employment Permits (AEPs) na ibinibigay lamang para sa mga trabaho na hindi kayang gampanan ng mga manggagawang Pilipino.

Matatandaan na una na ring sinabi ni Senadora Grace Poe, na napapanahon na upang magtulong-tulong at maghigpit ang DOLE, BI at DFA.

Facebook Comments