SINISI SA KORTE | Mga kulungan sa mga istasyon ng MPD, sobrang siksikan na

Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) na hindi kakayanin ang mga kulungan ng kanilang mga istasyon dahil sa dami ng mga bilanggo na nakukulang na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, inihalimbawa ng opisyal ang kulungan ng Malate Police Station 9 ng MPD na ang nakakulong ay 80 inmates na karamihan ay may mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act na ang dapat na ang dapat sana ay 25 bilanggo lamang ang kaysa sa naturang bilangguan.

Paliwanag ni Margarejo, dapat pabilisin ng Korte ang pagpapataw ng kaukulang desisyon o Commitment Order upang mailipat agad sa Manila City Jail ang mga bilanggo may mga kaso.


Giit ng opisyal dahil sa siksikan na ang mga bilanggo sa mga Police Station sa MPD karamihan sa kanilang mayroon ng mga ibat ibang sakit na nararamdamab dahil sa matinding init na nararanasan ngayon Summer bukod pa sa hindi sapat ang espasyo ng naturang mga kulungan.

Facebook Comments