Manila, Philippines – Isinisi sa Computerised Salary Deduction and Loan Information System (SDLIS) ng PNP Financial Service ang sobrang kaltas sa sweldo ng mga pulis para sa Loan repayments.
Sinabi ni Police Chief Inspector Maria Divina Gràcia Gabinete, tagapagsalita ng PNP Financial Service, ang nangyaring automatikong pagbawas sa sweldo ay systema sa mga pulis na hindi nabayaran ang utang
Kaya naman halos wala nang pang take home pay ang ilang mga pulis.
Paliwanag ni Gabinete, nang ipatupad nila ang Automatic Deduction System, Hindi nito pinahintulutan na bumaba sa 5000 pesos ang take home pay ng mga pulis, kaya Yung mga pulis na may patong-patong na utang ay sunuspendi muna ang Loan repayments.
Paliwanag pa nito nang doblehin ng Pangulo ang sahod ng mga pulis, natukoy ng system na may sobrang halaga sa minimum allowable take home pay ang mga pulis, kaya automatikong ikinaltas dito ang mga unang sinuspinding loan payments nila.
Bilang bahagi ng “intervention” ng pamunuan ng PNP, susupendihin ang ilang Loan repayments epektibo sa July 2018, habang isinasapinal Ang resolusyon sa pagitan ng mga pulis na baon sa utang at sa mga lending institutions na pinagkakautangan ng mga ito.
May mga ilang lending institutions na rin ang pumayag na i-waive na ang ang mga penalties at surcharges sa mga unang sunuspedinf utang.
Sinabi naman ni The Chief Directorial Staff, Police Deputy Director General Archie Francisco Gamboa na inutusan na sya ni PNP Chief Oscar Albayalde na tumutok sa problema, kahit may kasalanan din ang mga pulis na umuutang ng hindi nila kayang bayaran.