Isinisi ni U.S. President Donald Trump ang ‘gross mismanagement’ kasunod ng mapaminsalang California wildfire.
Base sa kanyang twitter post, iginiit ni Trump na ang matinding wildfire ay resulta ng palpak na forest management.
Nagbanta ngayon si Trump na tatapyasan ang pondo para sa forest management kung hindi agad ito mareremedyohan.
Dahil dito, pinutakte ng batikos ang tweet ni Trump dahil sa tila hinahaluan ng pulitika ang nangyaring sakuna.
Sa huling datos, aabot na sa 23 ang patay at nasa 108,000 acres ang naabot.
Facebook Comments