Bicol – Sinisilip na ng Dept. of Education (DepEd) ang mga posibleng parusa laban sa mga opisyal ng isang pribadong eskwelahan sa bicol matapos mag-viral sa social media ang mga video at litrato kung saan sunog ang bag ng mga estudyante na hindi sumunod sa ‘no-bag’ policy.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones – inatasan na niya ang kanilang Region 5 Director na si Gilbert sadsad na magpadala sa kanila ng initial report lalo at nangangalap pa sila ng impormasyon.
Bukas, August 20, tutungo mismo si Sadsad sa idinadawit na eskwelahan para ito ay personal na imbestigahan.
Sinabi pa ng kalihim – nagbibigay sila ng financial assistance sa mga may-ari ng private school kung ito ay nasa ilalim ng Educational Service Contracting Scheme (ESC), isang programa sa ilalim ng republic act 8545 o expanded government assistance to students and teachers in private education.
Kabilang sa maaring ipataw ng DepEd na parusa ay pagkakansela ng license o permit to operate ng eskelahan.
Habang hinihintay ang mga official report, tiniyak ng DepEd sa mga estudyante at mga magulang nito na masusi nilang tututukan ang kaso.