SINISILIP NA! | Umano ay rape incident sa loob ADMU, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Quezon City Police ang sinasabing rape incident sa loob ng campus ng Ateneo de Manila University.

Ayon kay Anonas Police Station Commander PSupt. Cipriano Galanida, ang hepe ng himpilan ng pulisya na nakakasakop sa Ateneo sa Katipunan Avenue, walang napapaulat na insidente ng panggagahasa sa nabanggit na Unibersidad.

Una na ring na-shock ang pamunuan ng Ateneo matapos ibunyag ng biktima na siya ay ni-rape ng 2 lalaki sa loob ng CR ng school building.


Sabi ni Colonel Galanida, handa ang QCPD na umaksyon at magbigay ng police assistance sa estudyante kung ito ay kanyang gugustuhin.

Gayunman, nagpadala na ang QCPD ng imbestigador para alamin ang katotohanan.

Ang rape incident ay lumutang matapos na kumalat sa mismong social media account ng Ateneo na ipinost ng umamin na estudyanteng biktima.

Batay pa sa kuwento ng Ateneo student, tinakpan ng mga suspect ng tuwalya ang kanyang ulo at sinuntok sa tiyan at binantaang masasaktan kapag sumigaw.

Nanawagan ang Police Official sa umano ay biktima na lumutang para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.

Bagama’t una na ring umapela ang pamunuan ng Ateneo na magtungo sa kanilang tanggapan ang estudyante pero sa ngayon ay ayaw munang humarap sa media ni Mira Ofreno, head ng ADMU Loyola Schools Sexual Misconduct Task Force hangga’t hindi natatapos ang sarili nilang imbestigasyon.

Facebook Comments