SINISILIP | PNP, tinutukoy na kung may kinalaman sa destabilization plot laban sa gobyerno ang mga pagpatay sa mga local chief executive

Manila, Philippines – Sinisilip na rin ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police Police kung may kinalaman sa destabilization plot laban sa pamahalaan ang sunod sunod na pagpatay sa mga local chief executives nitong nakalipas na Linggo.

Ito ay matapos na ipagutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan kung ang mga naganap na pagpatay ay parte ng distabilization plot.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde mayroon na silang sariling intelligence group na nagiimbestiga para rito.


Pero hanggang ngayon aniya ay wala silang nakukuhang impormasyon para makumpirma ang destabilization plot laban sa pamahalaan.

Tiniyak naman ni PNP Chief na ginagawa nila ang lahat para maresolba ang mga kaso ng patayan sa bansa at hindi dapat maalarma ang publiko.

Facebook Comments