SINISINGIL | Gobyerno, pinagbabayad ang Xiamen Airlines ng 33-million pesos

Manila, Philippines – 33-million pesos ang halagang sinisingil ng pamahalaan mula sa Xiamen Airlines kaugnay sa pagsadsad ng eroplano nito sa runway ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA noong August 16.

Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal na kabayaran ito sa ginastos sa pagtanggal sa runway ng Xiamen Aircraft.

Idinagdag pa ni monreal na handa rin ang Xiamen Airline na magbigay ng danyos sa perwisyong idinulot ng insidente pero pag-aaralan pa ito kung magkano.


Sa Senate hearing ay nagpahayag naman ng kalungkutan si Xiamen General Manager Lin Huagun dahil sa idinulot ng aksidente ng kanilang eroplano kaaibat ang pagtiyak ng kanilang kooperasyon sa imbestigasyon.

Ayon kay Huagun agad silang nakipag ugnayan sa mga otoridad sa NAIA at naglagay din sila ng walong counters sa apat na NAIA terminal na nagbigay ng 71,000 na mga pagkain at tubig sa mga apektadong pasahero.

Facebook Comments