Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacanang na natanggap na ng Office of the Executive Secretary ang desisyon ng Singapore Based Arbitral Tribunal na naguutos sa Gobyerno na bayaran ang Maynilad ng 3.4 Billion Pesos.
Matatandaan kasi na pinigil ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang pagtataas ng singil ng Mayunilad sa kanilang mga consumers noong 2013 dahil ayon sa MWSS ay hindi dapat sinisingil ng Maynilad sa kanilang consumers ang kanilang binabayarang buwis kung saan umabot sa international Arbitration Court ang kasong isinampa ng Maynilad.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon ay naguusap na ang Office of the Executive Secretary at ang Office of the Solicitor General para malaman kung ano ang susunod na hakbang ng Pamahalaan sa nasabing isyu.
Batay naman sa isang interview ay nabatid na sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na hahanap pa sila kung saan huhugutin ang pondo para mabayaran ang sinisingil ng Maynilad.