Manila, Philippines – Sinisingil na ngayon ng Samahang Industriya ng Agrikultura si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangako nito na pupugutan ng ulo ang mga nasa likod ng cartel ng bigas.
Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, anim na buwan pagkalipas nang unang Inanunsyo ni Agriculture Secretary Manny Piñol na may cartel ng bigas, wala pa ni isang matiwaling rice trader ang nasasampolan.
Hanggang ngayon aniya ay pulos pagbabanta lamang si pangulong Duterte.
Sinabi ni So na pangunahing driver sa pagsipa ng inflation rate ay ang napakataas na presyo ng bigas na halos hirap abutin ng mahihirap na consumers.
Iniipit aniya ng mga traders ang suplay ng bigas sa pamilihan para magmukhang may pagkukulang ng pagkaing butil.
Aniya,hanggat itinatanggi ng gobyerno na may cartel, hindi mapapatatag ang presyo ng bigas sa merkado.
Ginawa ni So ang pahayag sa gitna ng solusyong importation ng basic commodities na panlaban ng ng mga economic managers sa pumapalong inflation rate.