SINISIRAAN? | Fake news ang paninira sa mga SAF na nagbabantay sa Bilibid – PNP Chief

Manila, Philippines – Fake news ang balitang nasusuhulan ang PNP Special Action Force (SAF) Troopers na nagbabantay sa Bilibid.

Ito ang sagot ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, sa mga drug lords sa Bilibid na nagpapakalat ng balitang ito para lang siraan ang mga SAF Troopers dahil hindi nila masuhulan o matakot ang mga ito.

Paliwanang ni Dela Rosa, vinalidate ng PNP ang mga ulat ng umano’y suhulan sa Bilibid at napatunayang walang katotohanan ang mga ito.


Paliwanag ni Dela Rosa, kung totoo man ang balita na nabuhay nanaman ang illegal na transaksyon ng droga sa Bilibid, ito ay sa Medium Security Compound at hindi sa Maximum Security area at building 14 na guwardiyado ng SAF.

Kaya naman iminungkahi ni Dela Rosa sa pamunuan ng Bilibid na ideploy na rin ang SAF sa Medium Security Compound upang mabantayan ito.

Dagdag pa ni Dela Rosa maging ang mga report na talamak nanaman ang aktibidad ng mga drug syndicates sa Bilibid ay maaring diversionary tactic lang ng mga drug lords sa Binondo upang mabaling ang atensyon sa Bilibid at hindi sa kanila.

Pero, mahigpit ang bilin ni Dela Rosa sa bagong batalyon ng SAF Troops na rumelyebo sa pagbabantay sa Bilibid na manatiling tapat sa kanilang tungkulin at huwag magpapaapekto sa mga akusasyon laban sa kanila.

Facebook Comments