SINISISI | Malacanang, umapela kay CJ Sereno na huwag silang ituro na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa posisyon

Manila, Philippines – Nakiusap ang Palasyo ng Malacanang kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na huwag naman sa kanila ituro ang nangyayaring impeachment proceedings ng kongreso laban sa kanya.

Bukod sa impeachment proceedings ay isinisi din ni Sereno sa Malacanang ang nagkakaisang pahayag ng mga mahistrado ng Korte Suprema para sa kanyang indefinite leave.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mismong mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema ang naririnig ngayon ng publiko na nagrereklamo laban sa kanilang Punong Mahistrado.


Patunay aniya dito ay 13 mahistrado ng Korte Suprema ang lumagda sa en banc statement na naggigiit na indefinite leace ang inihain ni Sereno at hindi basta lamang wellness leave na siya namang igiginiit ng kampo ni Sereno.

Umaasa naman si Roaue na habang nagpapahinga ay dapat magnilaynilay muna si Sereno dahil hindi lang ito pansariling kapakanan dahil nakasalalay dito ang kridebilidad at istabilidad ng Korte Suprema.

Binigyang diin din naman ni Roque na igagalang nila ang anomang magiging resulta ng kaso ni Sereno.

Mahigpit na inspeksyon sa industriya ng asukal, itinakda ng DOLE

Manila, Philippines – Paiigtingin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabantay sa mga kumpaniya sa industriya ng asukal, upang matiyak na nabibigyang priyoridad ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bumuo na sila ng special assessment team na tututok sa 27 sugar milling companies sa bansa at sa mga contractors nito, para sigurugin na naipapatupad ang tamang batas-paggawa.

Ang special assessment team na ito ay pamumunuan ni Undersecretary Joel B. Maglunsod, katuwang ang Bureau of Working Conditions, Bureau of Workers with Special Concerns, Occupational Safety and Health Center, DOLE Regional Directors at ang lahat ng awtorisadong labor inspector sa buong bansa.

Facebook Comments