Manila, Philippines – Nagsagawa ng inspection ang Department of Energy (DOE) sa ilang gasoline station sa Quezon City upang masuri kung excise tax compliant ang mga ito.
Unang sinita ang Petron gasoline station sa kanto ng Morato at E. Rodrigiez na napansin na nagtaas ng ng otso pesos sa kanilang panindang Liquefied Petroleum Gas.
Ang dating 680 na LPG, 688 na ngayon.
Pinuna ni Ting Sevilla, Division chief ng retail management and monitoring ng DOE, ang hindi pagpaskil nito ng presyo ng LPG.
Bibigyan ng show cause order ang Petron upang ipaliwanag ang paggalaw ng presyo ng kanilang LPG.
Ito ay matapos na hindi naipaliwanag ng Petron kung ito ay dahil sa excise tax sa petroleum products o dahil sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon naman kay Joelito Etic, supervisor ng Petron, January 10 pa ng nagtaas ng .75 sa bawat kilogram ng LPG ang kanilang supplier pero hindi nilinaw kung dahil ito sa TRAIN law.