Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang ilang nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas o LPG na nagtaas ng presyo pero walang abiso.
Ayon kay Energy Asec. Atty. Bodie Pulido, nangako noon ang mga LPG seller na magsasabi kung magtaas sila ng presyo.
Aniya, may ilang seller silang napuna na nagtaas ng P8.25 sa kada kilo ng LPG.
Gayung sa taya ng DOE, p1.12 lang ang dapat dagdag presyo ng bawat kilo ng LPG at P2.80 kada litro ng auto LPG.
Sabi pa ni Pulido, papatawan ng karampatang parusa ang mga kumpaniyang mapapatunayang nagsamantala ang mga ito sa bagong excise tax.
Umapela naman ang DOE sa publiko na maging mapanuri at isumbong sa kanila ang mga nagsasamantala.
Facebook Comments