Cauayan City – Nakatakdang suriin ng Municipal Engineering Department ng Lokal na pamahalaan ng Baggao, Cagayan ang isang sinkhole na natagpuan sa isang daan sa Brgy. Sta Margarita sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, ang nabanggit na sinkhole ay natagpuan ng mga residente sa gilid ng daan makalipas ang naranasang pananalasa ng bagyong Leon sa kanilang lugar.
Kaagad namang ipinagbigay alam ng mga ito ang nadiskubreng butas sa kinauukulan at bilang pagtugon ay kaagad na naglagay ang mga ito ng harang sa paligid ng butas upang maiwasang maging sanhi ng aksidente.
Samantala, hindi naman ganoon kalalim ang natuklasang butas ngunit bilang pag-iingat ay susuriin itong mabuti at aayusin oras na matapos ang gagawing obserbasyon.
Facebook Comments