SINKING TRACK | Riles ng tren sa CamSur, ininspeksyon ng PNR matapos ma-wash out ang lupa

Camarines Sur – Ininspeksyon ng mga tauhan ng Philippine National Railways (PNR) ang riles sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur matapos na-washout ang lupa doon.

Nabatid kasi na na-washout ang lupa sa bahagi ng Barangay Comadaycaday at Barangay Peñafrancia dahil sa ilang araw na pag-ulan kaya’t ang PNR main office sa Metro Manila ang mag-aayos dito.

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na na-washout ang lupa sa naturang lugar.


Mahigpit din binabantayan ngayon ng PNR ang riles sa bahagi ng Barangay Awayan sa bayan ng Libmanan dahil sa naitala doong sinking track.

Ang sinking track ay ang paglubog ng linya ng riles dahil sa paglambot ng lupa dala ng pag-uulan.

Facebook Comments