Manila, Philippines – Hindi na nagbigay ng mahabang reaksyon ng Palasyo ng Malacanang sa issue ng tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maraming heneral ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay sa harap na rin ng pagpapalawig pang muli ni Pangulong Duterte sa tour of duty ni PNP Chief Director General Ronald Bato dela Rosa.
Ito din ang sagot ng Malacanang sa tanong na kung wala bang tiwala si Pangulong Duterte sa mga heneral ng PNP kaya hindi nagtatalaga ang Pangulo ng bagong PNP Chief.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ibinibigay ni Pangulong Duterte kay PNP Chief Dela Rosa ang kanyang buong tiwala at ito lamang ang kanyang masasabi.
Matatandaan na indefinite ang ibinigay ni Pangulong Duterte kay Dela Rosa bilang PNP Chief.
SINO ANG HAHALILI? | Malacanang, hindi masabi kung may tiwala si Pangulong Duterte sa mga heneral ng PNP
Facebook Comments