Sinopharm, nagsumite na ng EUA application sa Pilipinas

Nagsumite na ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) ang COVID-19 vaccine manufacturer na Sinopharm.

Ito ang kinumpirma ngayong araw ni FDA Director Eric Domingo.

Ayon sa FDA chief, kailangan nila ng apat hanggang anim na linggo para i-evaluate ang Sinopharm vaccine dahil sa kawalan nito ng approval mula sa alinmang stringent regulatory authority gaya ng US-FDA at World Health Organization (WHO).


Matatandaang sinabi kamakailan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maturukan ng Sinopharm vaccine.

Noong nakaraang taon, ibinunyag din mismo ng Pangulo na nakapagpabakuna na ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) gamit ang Sinopharm kahit hindi pa ito aprubado sa bansa.

Sa ngayon, tanging ang bakuna pa lamang ng Pfizer BioNTech, Astrazeneca at Sinovac ang nabibigyan ng EUA ng FDA.

Facebook Comments