Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi pa dumaan sa kanilang evaluation ang Sinopharm vaccine, na itinurok kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi pa nila alam ang efficacy ang ibang impormasyon hinggil sa bakuna.
Batay sa evaluation ng World Health Organization (WHO), ang efficacy ng Sinopharm ay kaparehas sa Sinovac vaccine.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na report ang FDA mula sa Presidential Security Group (PSG) hinggil sa pagdating ng Sinopharm vaccines.
Ang PSG Hospital, isa sa binigyan ng compassionate special permit ay walang nilabag na kondisyon lalo na at nire-require lamang sila ng FDA na mag-report kada buwan.
Sinusubukan ng FDA na maging ‘maluwag’ sa pagre-require sa mga ospital at iba pang nabigyan ng CSP na magsumite ng kanilang report.
Nabatid na binigyan ng FDA ng CSP ang PSG para sa limitadong bilang ng Sinopharm vaccines noong Pebrero.