Dinipensahan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang paggamit ng Sinopharm vaccine kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa naaaprubahan ng Food and Drug Administration para sa emergency use.
Giit ni Galvez, na batay sa presenstasyon ng Vaccine Experts Panel na ang Sinopharm at ang Sinovac vaccines ay halos magkapantay pagdating sa safety dahil sa inactivated virus.
Dagdag pa niya na ilang lider mula sa China at mga bansa sa Middle East ay naturukan na gamit ang Sinopharm.
Aniya, ang Sinopharm vaccine ang inirekomenda ng doktor ni Pangulong Duterte para sa kanya.
Hindi tinukoy ni Galvez kung sinu-sinong Chinese at Middle Eastern leaders ang naturukan ng Sinopharm vaccine, gayung hindi pa kinukumpirma ng mga Chinese authorities kung nabakunahan na ng COVID-19 vaccine si Chinese President Xi Jinping.