Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang Sinopharm COVID-19 vaccines sa Pilipinas dahil hindi pa ito nabibigyan ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Matatandaang naturukan na si Pangulong Duterte ng unang dose ng Sinopharm vaccines noong Lunes, May 3.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, nakiusap si Pangulong Duterte kay Chinese Ambassador Huang Xilian na i-recall ang nasa 1,000 doses na donasyon ng China.
Mas makabubuting huwag na lamang i-distribute at hintayin ang mga paparating na ibang brand ng bakuna.
Pero punto ni Pangulong Duterte na may ilang matataas na Chinese officials ang naturukan ng Sinopharm, at ginagamit din ito ng Brazil at Indonesia.
Bagamat walang approval mula sa FDA, mayroon itong compassionate special permit para magamit ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong Pebrero.