Manila, Philippines – Sinopla ng Intergrated Bar of the Philippines ang plano ni Sen. Antonio Trillanes IV na paimbestigahan ang pagkakapasa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bar Exam.
Sinabi ni Trillanes noong Sabado na duda siya sa pagkakapasa ng Pangulo sa bar exam dahil posibleng nilakad lang daw ng ama ni Duterte na noon ay gobernador ang pagkakapasa nito bilang abogado.
Pero ayon kay IBP Executive Vice President Atty. Domingo Cayosa,mahigpit ang prosesong pinagdadaanan ng mga Bar passers kayat imposibleng pekehin ito.
Aniya mula sa pag-apply hanggang sa pagte-take ng exam ay mabusisi ang dadaanang proseso kaya marami rin ang hindi pumapasa.
Payo ni Atty. Cayosa kay Trillanes, pumunta na lamang sa website ng IBP at i-check doon kung pumasa nga ba ang Pangulong Duterte o hindi.