Lumabas sa pag-aaral ng University of Hong Kong at sa Chinese University of Hong Kong na mahina ang booster shot ng Sinovac COVID-19 vaccine laban sa Omicron variant.
Batay sa pag-aaral, hindi nakapagpapalabas ng kinakailangang antibody ang tatlong sunod na turok ng Sinovac laban sa Omicron.
Gayunman, natuklasan na ang bakuna ng Pfizer-BioNTech ay mas epektibo kapag tinurok na booster shot sa mga indibidwal na nauna nang nakatanggap ng dalawang turok ng Sinovac vaccine.
Ang nasabing pag-aaral ay pinondohan ng Health and Medical Research Fund and at ng Hong Kong Government pero hindi naman isinapubliko kung ilan ang naging kalahok dito.
Facebook Comments