Sinovac, gagamitin sa unang bugso ng COVID immunization program ng pamahalaan

Ang coronavirus vaccine na gawa ng China ang tanging bakunang gagamitin ng pamahalaan sa libreng immunization program hanggang sa kalagitnaan ng taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang initial shipment ng Chinese vaccine ay darating na sa bansa sa susunod na buwan habang ang iba pang brand ng bakunang binili ng pamahalaan ay inaasahang darating sa bansa sa Hulyo.

Kung ang isang benepisyaryo ay tumangging magpabakuna, kailangang nilang pumirma sa isang waiver na tatanggalin sila sa priority status.


Ang benepisyaryo ay sasama na sa nalalabing bahagi ng publikong naghihintay para sa bakuna.

Ang mga bakuna ay ikokonsiderang ligtas at epektibo kapag nakakuha ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Aniya, hindi na mahalaga ang brand ng bakuna kung inaprubahan ito ng FDA.

Mula sa 25 milyong doses ng Sinovac, ang unang shipment na nasa 50,000 doses ay darating sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang natitirang doses ay darating sa mga susunod na buwan hanggang sa Disyembre.

Facebook Comments