Sinovac, hindi puwedeng iturok sa health workers na may edad 60-anyos pataas – NITAG

Hindi inirerekomenda ang paggamit ng Sinovac vaccines sa mga healthcare workers na may edad 60 pataas.

Ito ay batay sa Resolution No. 5 na inilabas ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) for COVID-19 vaccines.

Nakasaad sa resolusyon, hindi puwedeng iturok ang Chinese vaccine sa healthcare workers na may edad 60-taong gulang pataas.


Ang Emergency Use Authority (EUA) na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac ay para lamang sa healthy population na may edad 18 hanggang 59 anyos.

Binibigyan ng kalayaan ang mga health care workers kung nais nilang tumanggap ng nasabing bakuna o iba pang brands.

Facebook Comments