Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nakapagsumite na ng aplikasyon ang Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac upang magamit sa mga edad 3 hanggang 17.
Sa interview ng RMN Manila kay Domingo, sinabi nito na kahapon lamang ipinasa ang aplikasyon kung saan agad itong ipinadala sa mga vaccine expert panel upang mapag-aralan at makapagsagawa ng ebalwasyon.
Umaasa naman si Domingo na maaaprubahan kaagad ang aplikasyon upang mas maraming Pilipino ang mabakunahan na.
Sa ngayon, ang Pfizer-BioNtech vaccine pa lamang ang pinapayagan ng FDA na iturok sa 12-anyos at pataas.
Habang ang Sinovac vaccine ay maaari lamang iturok sa mga edad 18 anyos pataas.
Facebook Comments