Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakakapagbigay pa rin ng proteksyon laban sa COVID-19 ang Sinovac vaccine.
Matatandaang inalis ng Singapore sa kanilang COVID-19 vaccine tally ang mga naturukan ng Chinese vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas na sa iba’t ibang international studies na mabisa ang Sinovac vaccines laban sa pagkaka-ospital, malalang kaso ng COVID-19 at kamatayan.
Hindi dapat ini-interpret ang hakbang ng Singapore bilang “kawalan ng kumpiyansa” sa nasabing bakuna.
Aniya, mismo ang World Health Organization (WHO) na ang nagbigay ng emergency use listing para sa Sinovac.
Facebook Comments