Ligtas at epektibo para sa mga kabataan ang CoronaVac o COVID-19 vaccine ng Sinovac-Biotech ng China.
Ito ay batay sa report na inilathala ng nangungunang medical journal sa buong mundo na The Lancet Journal noong June 28.
Lumalabas sa report na ang Sinovac vaccines ay ligtas sa mga batang may edad tatlo hanggang 17.
Ang dalawang dose ng bakuna na mayroong pagitan na 28 araw ay makakapagbigay ng matibay na antibody response sa nasabing age group.
Ayon kay Sinovac General Manager Gao Quiang, magsasagawa sila ng malawakan at multi-ethnic population studies para makapagbigay ng datos para sa immunization strategies para sa children at adolescents.
Ang pag-aaral sa CoronaVac ay pinondohan ng Chinese National Key Research and Development Program at Beijing Science and Technology Program.