Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na ang 300 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City ay hindi na ligtas gamitin.
Ayon kay sa FDA Director General Eric Domingo, ang naturang mga bakuna ang ibinebenta sa black market na may mataas na presyo.
Kapag nakita mo aniya ang nakumpiskang mga bakuna, aakalain mong ito ay authentic pero ito ay mga peke pala.
Aniya, nadiskubre nilang bukas na ang mga bakuna at madumi pa ang packaging na nakalagay lang sa styrofoam box na may yelo.
Giit pa ni Domingo, sinabi na ng NBI sa FDA na ang mga naarestong seller ay nagbebenta ng higit pa sa 300 doses na nakumpiska ng mga awtoridad kaya kanila na itong tinutunton.
Facebook Comments