Sinovac vaccine, nananatiling first choice ng Pilipinas kontra COVID-19 sa kabila ng bribery issue nito

Nananatiling ang Sinovac na mula China ang unang bakuna na gagamitin sa bansa sa kabila ng isyu ng bribery na kinakaharap ng manufacturer nito.

Ito ay matapos lumabas sa Washington Post ang pag-amin ni Sinovac Founder at Chief Executive Yin Weidong sa kaniyang 2016 court testimony na sinuhulan niya ang regulatory authorities sa China ng 83,000 dollars mula 2002 hanggang 2011 para mapabilis ang approval ng kanilang mga bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, target pa rin ng pamahalaan na bilhin ang mga bakuna ng Sinovac para maumpisahan na ang pagbabakuna sa ating mga kababayan pagsapit ng unang quarter ng 2021.


Aniya, tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Food and Drug Administration Administrator (FDA) Director General Eric Domingo na bago gamitin ang bakuna ay dadaan ito sa masusing pagsusuri ng ahensya para masiguro na ito ay ligtas at epektibo.

Facebook Comments