Sinovac vaccine, para lamang sa 18-59 years old – FDA

Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari lamang iturok ang Chinese vaccine na Sinovac sa mga indibiduwal na may edad 18 hanggang 59.

Nabatid na pinag-aaralan ng pamahalaan na ibigay na rin ang Sinovac sa mga senior citizens dahil sa mababang adverse effects nito.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nasa manufacturer at distributor ng Sinovac kung magbibigay sila ng datos na magpapakitang sinubukan din nila ang bakuna sa mga 60-years old pataas.


Kapag nakapagsumite ang vaccine maker ng lahat ng scientific data at mga ebidensya na ligtas itong gamitin sa nasabing age group ay handa ang FDA na rebisahin ang Emergency Use Authorization (EUA).

Facebook Comments