Ibibigay ang doses ng Sinovac vaccines sa mga sundalo at economic frontliners.
Ito ang pahayag ng Malacañang dahil hindi maaaring ibigay ang bakuna sa mga senior citizen at medical frontliners.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ay bumuo na ng priority list para sa mga unang makatatanggap ng bakuna.
Ang mga economic frontliners ay ang mga nagtatrabaho sa mga industriya o negosyo na hindi nagsara mula pa noong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Una nang nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang Sinovac shots ay pwede lamang ibigay sa mga healthy individuals na may edad 18 hanggang 59 years old.
Facebook Comments