Sinovac vaccines, nananatiling epektibo laban sa Delta variant – Roque

Tiniyak ng Malacañang sa publiko na nananatiling epektibo laban sa mas nakahahawang Delta variant ang Sinovac vaccines.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng mga ulat na 10 mula sa 26 na doktor sa Indonesia na namatay sas COVID-19 ay fully vaccinated ng CoronaVac.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinasabi ng mga eksperto na ang lahat ng bakunang itinuturok sa bansa, kabilang ang Sinovac ay epektibo laban sa lahat ng COVID-19 variants.


Tiwala naman si Roque na hindi magdudulot ng vaccine hesitancy sa bansa ang nangyayari ngayon sa Indonesia.

Umapela ang Palasyo sa publiko na hintayin ang mga resulta ng pag-aaral ng mga eksperto ukol sa insidente.

Facebook Comments