Wala umanong sintomas ng African Swine Flu Virus sa Mapandan Pangasinan ayon Department of Agriculture Region 1.
Ayon kay Dr. Florentino Adame ang Chiefo of the Regulatory Division ng Department of Agriculture Region 1 , sa ngayon negatibo parin sa African Swine flu ang bayan ng Mapandan sapagkat wala pang naitatalang mortalities ng baboy dito.
Umabot na rin sa 163 na baboy ang idinaan sa culling operation kasama na ang mga baboy na galing ng Bulacan na naipuslit sa lalawigan maging ang mga baboy na kabilang sa 7 kilometer radius.
Umabot na rin sa 300 blood samples ng baboy ang nakolekta sa walong bayan na sakop ng 7 kilometer radius.
Bukas ay posibleng lumabas ang resulta ng mga blood samples na nakolekta mula ditto at doon lamang magkakaroon ng scientific basis upang maideklarang ASF Free ang lalawigan. ###
Sintomas ng ASF Virus sa Mapandan, Pangasinan negatibo ayon sa DA Region 1
Facebook Comments