SINUBUKANG MAPAKAMATAY | Lalaki, nagtangkang magpakamatay sa loob ng isang mall sa Quezon City

Manila, Philippines – Isang lalaki ang nagtangkang magpatiwakal sa loob ng isang mall sa Quezon City.

Tinatayang nasa 20 hanggang 25 ang edad ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Base sa mga larawang ibinahagi ng mga netizen sa facebook – nasa 3rd floor ng SM North Edsa ang lalaki na makikitang pumakabila sa salaming bakod at naupo sa kakapirasong semento.


Nagtulung-tulong naman ang mga gwardiya ng mall para mai-akyat ang lalaki.

Ayon kay QCPD Station 2 C/ Supt. Rodrigo Soriano – posibleng may problema sa pag-iisip ang lalaki.

Hindi naman makausap nang maayos ang lalaki dahil nagwala ito matapos na i-rescue ng mga otoridad.

Facebook Comments