Bumalik na sa normal status ang lebel ng tubig ng Sinucalan River pagkatapos nitong abuting ang 7.50 Meters Sea Level na above critical level bunsod ng ilang araw na pag-uulan dahil sa mga nagdaang bagyong Goring at Hanna at nagdulot ng malalim na pagbaha sa lugar maging sa karatig na bahagi nito.
Ayon sa pinakahuling datos ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, nagtuloy tuloy na ang pagbaba ng lebel ng tubig at ngayon ay nasa 6 meters above sea level na nasabing ilog.
Patuloy pa ang pag-antabay ng Sta. Barbara MDRRMO lalo na at hindi man magkakaroon ng direktang epekto ang bagong bagyo na may pangalang Bagyong Ineng ay maaari pa rin magdulot sama ng panahon at mga pag-ulan dahil sa Habagat.
Pinaalalahanan muli ang publiko na manatili pa ring mga alerto at handa sa maaaring maging epekto ng sama ng panahon.
Sa Dagupan City, bilang ito ay catch basin ng mga tubig na mula sa Sinucalan River, bagamat nasa normal status na ang lebel ng tubig nito, nakararanas pa rin ang lungsod ng pagbaha at inaasahan ang paghupa nito sa mga susunod na araw lalo na at natapos na muli ang high tide season. |ifmnews
Facebook Comments