Nananatili pa rin sa Below Alert Level ang Sinucalan River na matatagpuan sa bayan ng Sta. Barbara sa kabila ng nararanasang pag-uulan.
Dahil sa pag-uulan at mga tubig na nanggagaling sa upstream na nasasakupang bahagi ng ilog ay nagkakaroon ng unti-unting epekto ng pagtaas ng tubig sa ilog ngunit nananatiling below alert level status ito.
Ayon sa Sinucalan River Water Level Monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Sta. Barbara, ang kasalukuyang lebel nito ay nasa 5.30 Meters above sea level ito as of July 16, kung saan ito ay mas mababa pa sa normal na lebel nito na nasa 6.20 meters above sea level.
Dagdag pa ng MDRRMO, ang alert level nito ay nasa parehong 6.20 meters above sea level at mas magiging alerto sila kung ang lebel nito ay pumalo sa 7masl na ito.
Samantala, patuloy na hinihimok ng MDRRMO ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar maging ang mga residenteng nakatira sa malapit sa ilog ugaliing i-monitor ang lebel ng tubig at kung sakaling hindi na maganda ang lebel nito ay mag-evacuate na upang hindi na magkaproblema.
Inalerto na rin ang mga kabilang sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Council upang maging 100% ready sakaling may mangailangan ng tulong.
Paalala din ng MDRRMO na iwasan muna ang paglalaro at pagliligo sa ilog upang maiwasan ang disgrasyang pagkalunod. |ifmnews
Facebook Comments